Programang pangkalusugan sa Tanauan

Programang pangkalusugan sa Tanauan, paiigtingin ni Mayor Sonny katuwang ang AC Health, Healthway Medical Network at Daniel O. Mercado Medical Center!
Dahil sa tuloy-tuloy na pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa iba’t ibang pribadong sektor patuloy rin ang isinasagawang hakbang upang palawakin ang mga programa ng ating Lokal na Pamahalaan sa sektor ng kalusugan.
Sa pagpupulong kasama ang mga opisyales ng Daniel O. Mercado Medical Center at AC Health sa pangunguna nina DMMC Chief Operating Officer Edwin Magsino, President and CEO of AC Health Mr. Paolo Borromeo, President and CEO Healthway Medical Network Mr. Jaime Ysmael at Vice President- Medical Affairs Dr. Maria Gina Nazareth kanilang tinalakay ang pagpapalawig ng Health Care services para sa ating mga kababayan. Inaasahan din ang isasagawang kolaborasyon upang magbaba ng mga programang pangkalusugan sa bawat Barangay.
Ipinagpasalamat naman ng DMMC Officials ang mabilis na aksyon at pakikipagtulungan ng ating Punong Lungsod para sa kanilang mga kahilingan at pangangailangan.
Previous Educational Assistance para sa mga Tanaueñong mag-aaral ng Brgy. Talaga at Bañadero

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved