Programang Pangkababaihan, mas palalawakin ni Atty. Cristine Collantes at Philippine Commission on Women

Atty. Cristine Collantes at Philippine Commission on Women, magtutulungan para sa mas malawak na mga programang pangkababaihan sa ating Lungsod!
Para sa mas malawak na paghahatid ng mga programa para sa sektor ng mga kababaihan, nakiisa si Tanauan City Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes kasama ang mga kawani mula sa Gender and Development Office sa selebrasyon ng ika-76 anibersaryo ng National Council of Women of the Philippines – NCWP kung saan nagtipon tipon ang iba’t ibang lider kababaihan sa buong bansa.
Nabigyan din ng pagkakataon si Atty. Cristine Collantes upang personal na makausap ang mga opisyales mula sa Philippine Commission on Women na sina Former PCW USEC Sandra Sanchez Montano at Former PCW Commissioner for the Culture Sector Juris Doc Amielyn “Asliyah” Limbona para ihayag at talakayin ang karagdagang suporta para sa pagpapalawig ng mga programa ng Pamahalaang Lungsod para sa ating mga kababaihan.
Kasabay nito, ang pagkalap ng mga ideya para sa mga isusulong pang proyekto na magpapaunlad at magbibigay ng pantay at ligtas na karapatan para sa ating mga kababayan partikular para sa mga kababaihan at kabataan.
Previous Educational Assistance para sa Barangay Poblacion 1, 2, 5, at 7, ipinaabot

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved