Programa para sa pagtataguyod ng mga kababaihan sa Tanauan

Programa para sa pagtataguyod ng mga kababaihan sa Tanauan, tinalakay kasama ang Ladies in Action Inc.
Nagtungo ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang grupo ng mga kababaihan mula sa Ladies in Action Inc. sa pangunguna ni Ms. Doris Kwok para sa pakikipagtutulungan upang mapangalagaan ang mga kababaihan sa Lungsod.
Kasama ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at sina Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, tinalakay ang mga isasagawang proyekto ng kanilang samahan para sa sektor ng kababaihan sa ating Lungsod.
Layon din naturang pagpupulong na magkaroon ng ugnayan ang kanilang sektor at Pamahalaang Lungsod para sa pagtataguyod at pangangalaga sa mga kababaihan sa Lungsod ng Tanauan.
Previous DOLE TUPAD Payout para sa mga Tanaueño

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved