Problema sa Basura at ‘Emergency Transferring of Waste’ sa Brgy. Janopol Oriental, dininig ng Sangguniang Panlungsod ngayong araw

Problema sa Basura at ‘Emergency Transferring of Waste’ sa Brgy. Janopol Oriental, dininig ng Sangguniang Panlungsod ngayong araw
Sa pangunguna nina Environmental Protection Committee Chair Coun. Czylene Marqueses at Laws and Privileges Chair Coun. Eric Manglo ay tinalakay ng Sangguniang Panlungsod ang kasalukuyang problema sa basura ng bawat barangay. Partikular din na binigyang-diin sa pagpupulong ang naganap na “Emergency Transfer of Waste” nitong holiday season ng bagong contractor na Persan Construction sa Sitio Hipit Brgy. Janopol Oriental.
Agad namang inaksyunan ito ng Pamahalaang Lungsod ayon sa ating City Administrator Mr. Wilfredo Ablao alinsunod sa direktiba ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa pamamagitan ng agarang paghakot ng mga naipong basura.
Samantala, ang pagtriple ng dami ng mga basura nitong Disyembre at tigil operasyon bago pa man matapos ang kontrata ng Metro Waste nitong Disyembre ang ilan sa mga nakikitang dahilan ng Pamahalaang Lungsod sa paglobo ng basura sa bawat barangay. Bukod pa rito ang nakitaan rin ng paglabag ang Metro Waste sa “Proper Waste Disposal Management” na maaaring makaapekto sa kalusugan ng ating mga kababayan.
Kung kaya, sa inisyatibo ni Mayor Sonny ay nakiusap ito sa Persan Construction na maghakot simula nitong katapusan ng Disyembre kahit ngayong Enero pa lang ang simula ng serbisyo ng bagong contractor alinsunod sa kontrata nito.
Ilan din sa iminungkahi nina Konsehal Ben Corona at Konsehal Eric Manglo ay ang pagbibigay ng legal na aksyon sa kapabayaang naidulot ng dating contractor. Habang ilan sa suhestiyon nina Konsehal Angel Burgos at Konsehal Glen Win Gonzales ay dagdagan ang oras at araw para sa iskedyul ng koleksyon ng basura sa Lungsod, maging ang pagdadag ng truck at tauhan ng bagong kontraktor.
Habang sinigurado naman ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) head MN. Enrico Javier (CENRO) na mas paiigtingin pa ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang bagong contractor upang mapabilis ang paghakot batay sa iskedyul dahil sa 70 hanggang 75 na toneladang basura ang kinakailangang kolektahin kada araw sa Lungsod
Previous ANUNSYO TANAUEÑO | BUSINESS PERMIT RENEWAL with NO PENALTY

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved