Mayor Sonny Perez Collantes, Tanauan

Philippine Councilors League at Philippine Veterans Bank

Philippine Councilors League at Philippine Veterans Bank, handang makipagtulungan kay Mayor Sonny Perez Collantes para sa pagpapaunlad ng Lungsod ng Tanauan!
Isang makahulugang pagpupulong ang naganap ngayong araw sa Tanggapan ng mga mamamayan, matapos magtungo ang mga miyembro ng Philippine Councilors League (Office of Sangguniang Panlalawigan ng Batangas) sa pangunguna nina Hon. Melvin Vergara Vidal (PCL President), Hon. Jerick Mercado (San Jose), Hon. Reynato Patolot (San Luis), Hon. Francia Dagook (Sta. Teresita) at Hon. Eloise Tejada (Ibaan).
Bahagi ng talakayan ang pagpapalawak ng mga programa at karagdagang pagsasanay sa mga miyembro ng ating Sangguniang Panlungsod para sa pagbuo ng sistematikong ordinansa sa ating mga kababayan.
Nakahanda namang makipagtulungan ang Philippine Veterans Bank sa ating butihing Punong Lungsod para sa pagpapaunlad ng ating Lokal na ekonomiya, layon nito na lumikha ng maraming oportunidad para sa ating mga kababayan, gayundin ang pagbibigay katuparan sa adhikain ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa isang Business-Friendly Tanauan City.
Previous Pag-iisang dibdib ng Limang Pares sa Lungsod ng Tanauan.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved