Patuloy na Ipinamamahagi ang Tulong Pinansyal sa Lungsod ng Tanauan

Programang AICS, ipinaabot ni Sen. Senator Imee R. Marcos, katuwang sina Congw. Maitet Collantes at Mayor Sonny Perez Collantes.
Mula sa patuloy na pakikipag-ugnayan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kay Sen. Imee Marcos, karagdagang 500 mga mamamayan mula sa Ikatlong Distrito ng Batangas ang nakatanggap ng tulong pinansyal ngayong araw.
Kabilang at kaagapay rin sa pamamahagi ang Chief of Staff ng Tanggapan ng mga Mamamayan ng Ikatlong Distrito ng Batangas na si Atty. King Collantes. Ang nasabing aktibidad ay bunga ng pakikipagtulungan ng ating pamahalaang lokal sa mga tanggapang nasyunal tulad ng Tanggapan ni Senadora Imee at DSWD upang agarang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng paghahatid ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Samantala, taos pusong nagpasalamat naman sina Congw. Maitet at Mayor Sonny sa walang humpay na pagpapaabot ng suporta nina Sen. Imee at Pang. Bongbong Marcos sa mga panukalang programang isinusulong para sa bawat sektor dito sa Lungsod ng Tanauan at sa iba pang bayan sa Ikatlong Distrito ng Batangas.
Previous AKAPIN Batangan Inc, makikibahagi sa mga programa para sa ating mga Tanaueño!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved