Pamaskong regalo para sa mga Kabataang Tanaueño, personal na ipinaabot ng Pamilya Collantes!
Nagbigay-saya sa 1,000 mga Kabataang Tanaueño ang bawat gift box na personal na ipinaabot nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes Atty. King Collantes ngayong araw sa mga paaralan sa Lungsod ng Tanauan.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng “Christmas Shoebox Project” na bunga ng pakikipagtulungan ng ating butihing Punong Lungsod sa ING Bank at sa pamamagitan ng Daiichi Properties Inc. at Fort Bonifacio Development Foundation. Ang bawat gift box na ito ay naglalaman ng school supplies na inilaan ng bawat opisyales at empleyado ng mga nasabing kumpanya.
Ilan sa mga naging benepisyaryo ng nasabing pamaskong handog ay mga mag-aaral mula Tanauan North Elementary School, Ambulong Elementary School, Bagumbayan Elementary School, Tinurik Elementary School at Hidalgo Elementary School.
Ang Pasko ay para sa mga Kabataan! Ito ang ilan sa patunay na patuloy ang Pamahalaang Lungsod sa pagbibigay-ngiti, saya, at pag-asa sa mga munting anghel ng ating komunidad!