Pamamahagi ng sleeping kits, bigas at mga grocery packs sa mga biktima ng sunog sa Brgy Darasa.

IN PHOTOS | Personal na tinungo ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes kagabi ang pamilyang nasunugan sa Brgy. Darasa, kahapon bandang alas-12 ng tanghali kung saan natupok ng apoy ang isang bahay at kalapit nitong paupahan.
Kasabay nito ang pamamahagi sa mga biktima ng sleeping kits, bigas at mga grocery packs kasama si Atty. Cristine Collantes, City Administrator Mr. Wilfredo Ablao katuwang ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) at Sangguniang Barangay ng Darasa.
Ito ay pamamaraan ng ating Punong Lungsod upang maiparamdam sa ating mga kababayan na laging handang umagapay ang Lokal na Pamahalaan sa oras ng kanilang pangangailangan at para sa kanilang pagbangon.
Kasabay nito, patuloy pa ring pinag-iingat ang publiko ngayong panahon ng tag-init at pinaaalalahanan ang lahat na agad makipag-ugnayan sa mga numero ng Tanauan City Fire Stationโ€” (043) 702-9678 / 0922-344-8887 sa oras ng sunog at emergency.
Previous 200 SATO Tap, inihandog ng South Luzon Water Corp. para sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved