Mayor Sonny Perez Collantes, Local AICS

Pamamahagi ng Local AICS at Cash Incentives para ating mga Seniors Citizens

Pamamahagi ng Local AICS at Cash Incentives para ating mga Seniors Citizens, tuluy-tuloy sa Lungsod ng Tanauan
Kaugnay nang pagpapalawig ng Social Services Program ng ating Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. King Collantes ang pagpapaabot ng tulong pinansyal para sa ating mga kababayan kaninang umaga.
Tinatayang aabot sa 127 na mga Tanaueño ang kasalukuyang nakapag-payout sa ilalim ng programang Local AICS. Habang higit 100 na mga senior citizens edad 85 hanggang 99 taong gulang ang nahandugan naman ng Cash Incentives na inisyatibo ng ating Alkalde upang matugunan ang pangangailangan ng nasabing sektor.
Bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga kababayan nating nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaan.
Previous Mabuhay ang Bagong Kasal!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved