Pamamahagi ng Bigas para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod

Pamamahagi ng Bigas para sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, inumpisahan na muli ngayong buwan!
Sa pangunguna ng ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes katuwang si Atty. King Collantes, Bokal Fred Corona at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, inumpisahan na muli ang buwanang pamamahagi ng tig-sampung kilong bigas (10kg per employee) sa bawat kawani ng Pamahalang Lungsod.
Ito ay buwanang matatanggap ang mga kawani ng sampung kilong Bigas habang may pandemya. Ang programang ito ay inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod katuwang ang Tanauan Local Social Welfare and Development sa pangunguna ni Ms. Rebecca D. Javier.
Samantala, kabilang lamang ito sa mga programa ni Mayor Sonny bilang pangangalaga sa ating mga kawani para sa kanilang sakripisyo at dedikasyon sa paghahatid ng subok at maaasahang serbisyo sa ating mga kababayang Tanaueño.
Previous SAGWAN TANAUAN, wagi sa 500 meters First Heat (Men’s Category)

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved