Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, nagsagawa ng Disaster Assessment Meeting upang matukoy ang pinsalang dulot ng Bagyong #KardingPH

Pamahalaang Lungsod ng Tanauan, nagsagawa ng Disaster Assessment Meeting upang matukoy ang pinsalang dulot ng Bagyong #KardingPH
Nagsagawa ngayong umaga ang ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes ng Disaster Assessment Meeting kasama ang mga frontline workforce departments ng Pamahalaang Lungsod at ilang mga kapitan ng Barangay. Ito ay upang matukoy ang kabuuang epekto o pinsala ng bagyong #KardingPH sa Lungsod ng Tanauan.
Samantala, inatasan naman ng ating Punong Lungsod ang ilang mga tanggapan na magsagawa ng city inspection upang matukoy ang aktuwal na kalagayan ng ating mga kababayan:
• Office of the City Agriculturist
• General Services Office (GSO)
• City Engineering Office (CEO)
• City Planning and Development Office (CPDO)
• City Information Office (CIO)
• City Environment and Natural Resources Office (CENRO)
• DepEd-Tanauan
• CDRRMO
• City Veterinary Office
Nakiisa rin sa isinagawang pagpupulong sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at ang ating Committee Chair on Peace and Order, Fire and Safety ng Sanggunian Panlungsod, Konsehal BGen. Benedicto Corona upang masiguradong ligtas ang ating mga kababayan mula sa kalamidad.
Previous Pondo para sa Re-construction ng gumuhong pader sa Boot Elementary School, agad na inaprubahan ng ating Punong Lungsod

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved