Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at DOLE, nagpaabot ng tulong pinansyal sa higit 200 na mga Tanaueño

Pamahalaang Lungsod ng Tanauan at DOLE, nagpaabot ng tulong pinansyal sa higit 200 na mga Tanaueño
Umabot sa higit 200 na mga Tanaueño ang kasalukuyang nakapag-payout sa ilalim ng programang DOLE TUPAD na inihatid ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, katuwang si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, mga kawani ng Department of Labor and Employment – DOLE Region IV-A at Peso TanauanCity.
Alinsunod ito sa layunin ng ating Punong Lungsod na makapaghatid ng pansamantalang pagkakakitaan para sa ating mga kababayan na naapektuhan ng iba’t ibang krisis tulad ng pandemya.
Ang mga nasabing mga benepisyaryo ay nagsisilbi ring katuwang ng ating lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga baybay lawa na matatagpuan sa siyam na Barangay sa Lungsod.
Previous Dalawang pares ng magsing-irog ang muling pinag-isang dibdib ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ngayong araw.

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved