Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan, nagsagawa ng pagsasanay para sa mga magsasaka sa Lungsod!
Matagumpay na naisagawa noong Miyerkules, ika – 18 ng Oktubre ang pagsasanay para sa 31 na magsasaka sa Lungsod tungkol sa wastong paggamit ng Bio-Fertilizers. Layunin nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang ating mga kababayan para sa sa alternatibo at ligtas na abono bunsod ng mataas na presyo ng mga kemikal sa merkado.
Ang nasabing aktibidad ay inisyatibo ng ating minamahal na Punong Lungsod Sonny Perez Collantes katuwang ang Office of the City Agriculturist bilang pangangalaga at pagsuporta upang matulungan ang sektor ng magsasaka sa ating Lungsod. Nagsilbi namang tagapagsalita sa kanilang pagsasanay ay ang mga kawani mula sa University Philippines Los Baños – Biotech.