Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan at Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc., nagsagawa ng Clean Up Drive Activity sa Brgy. Gonzales!
Bukod sa paglikha ng maraming kabuhayan at pagpapaunlad ng Ekonomiya ng Tanauan, katuwang din ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang iba’t ibang mga kumpanya sa pagpapanatili ng kalinisan gayundin sa tamang pangangalaga sa ating kalikasan.
Kaya naman, sa inisyatibo ng Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc. (PMM) sa pangunguna ni Enviromental Engr. Patricia Monique Alday katuwang ang ating City Tourism Office sa pamumuno ni Mrs. Marilyn Calimag, naging matagumpay ang isinagawang Clean Up Drive Activity sa Sabang River Eco Park kabilang na ang mga bahagi ng baybay lawa sa Brgy. Gonzales.
Bahagi ito ng 7 Rays Priority Project ng ating butihing Mayor upang paigtingin ang pagpapanatili ng kalinisan sa ating Lungsod. Sa pamamagitan nito ay mas maipapakilala ang natatanging ganda ng mga atraksyon sa Tanauan katulad ng ating ipinagmamalaking Sabang River Eco Park na matatagpuan sa Brgy. Gonzales.
By: Fash