Pakikiisa ng PA Alvarez Properties sa pagpapaigting at pagpapalawak ng mga Pagawaing Bayan sa Tanauan

PA Alvarez Properties at Mayor Sonny Perez Collantes, magkakaisa sa ikagaganda ng Lungsod ng Tanauan!
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes at City Planning and Development Office Head Ms. Aissa Leyesa, nagkaroon ng pagpupulong ngayong araw kasama mga opisyales ng PA Alvarez Properties kabilang ang Director nito na si Mr. Peter Alvarez.
Bahagi ng talakayan ang pagpapaigting at pagpapalawak ng mga Pagawaing Bayan ng Mamamayan sa Tanauan tulad ng mas magandang mga daanan at pagsasaayos ng mga baradong Drainage System upang maiwasan ang mga pagbaha sa panahon ng tag-ulan.
Kabilang din dito ang pag-imbita sa kanila sa nakatakdang Local Development Council Meeting upang pag-usapan ang iba pang mga prayoridad ng Pamahalaang Lungsod upang makabuo ng mga sistematikong proyekto para sa kapakinabangan ng ating mga Mamamayan.
Previous Moving Up Ceremony mula sa Brgy. Sambat, Santor, Poblacion 7, Poblacion 6, at Bahay Bulilit.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved