Mayor Sonny Perez Collantes

Paglalagay ng Drainage system sa paligid ng St. Augustine Parish

Paglalagay ng Drainage system sa paligid ng St. Augustine Parish, hahandugan ng pondo ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Isang masayang kumustahan ang ginanap ngayong umaga matapos bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ang mga miyembro ng Knight of the Columbus sa pangunguna nina Fr. Russel Matuloy, Grand Knight Armando Villa, Kagawad Salvador Solomon Mojica at Kagawad Milo Andaya.
Tinalakay ang hiling na paglalagay ng drainage canal sa bahagi ng Simbahan para maibsan ang pagbaha at pagiging maputik ng daan. Inihayag naman ni Mayor Sonny kasama si TWCC President Atty. Cristine Collantes na nauna nang naabisuhan ang City General Services Office, City Engineering Office at City Environment and Natural Resources Office para sa pagsasaayos ng mga kalye at drainage canal sa Lungsod bilang paghahanda sa pagpasok ng tag-ulan.
Samantala, hinikayat naman ng ating Punong Lungsod ang kanilang samahan na patuloy na makiisa sa mga programa ng Pamahalaang Lungsod para sa mabilis na paghahatid ng serbisyo para sa ating mga kababayan.
Previous Sustainable Livelihood Skills Training for Tanaueñas

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved