Paghikayat sa mga kababayan natin na mabakunahan, muling tinalakay sa Local IATF Meeting

Paghikayat sa mga kababayan natin na mabakunahan, muling tinalakay sa Local IATF Meeting
Sa tuloy-tuloy na pangangalaga sa bawat Tanaueño, isinagawa ngayong araw ang Inter-Agency Task-Force meeting para talakayin ang seguridad sa kalusugan ng ating mga kababayan.
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes kasama ang iba’t ibang opisyal ng tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, nagbigay ulat ang City Health Office hinggil sa kasalukuyang kaso ng COVID-19 at Dengue sa Tanauan. Kanila ring ipinaabot ang bilang ng mga nababakunahan kung saan mas mabababa ang naitala ng nakatanggap ng pangalawang Booster shots. Kasabay nito, ipinaalalang muli ng ating butihing Mayor na paigtingin ang paghikayat sa ating mga kababayan para magpabakuna.
Kaugnay nito, ipinabatid ng School Division Office ang naging sitwasyon at mga naging aktibidad sa nakalipas na pasukan kabilang ang pagpapagawa ng Handwashing facilities, pakikiisa sa simultaneous earthquake drill, pagsasagawa ng Anti-Dengue Fogging sa mga paaralan at konsultasyon sa mga opisyal ng bawat eskuwelahan upang malaman ang kanilang mga suliranin at hinaing.
Patuloy naman ang pagsisikap ng DepEd sa pagbibigay paalala sa mga mag-aaral na panatilihin ang pagsusuot ng Facemask. Nangako naman si Mayor Sonny na magpapaabot ng donasyong Faceshield bilang tugon sa kahilingan ng ahensya para sa mga mag-aaral ng Kindergarten.
Previous “SERBISYONG PUBLIKO CARAVAN (SPC)”

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved