Pagbisita ng Meralco Calamba Business Center sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Meralco Calamba Business Center at Mayor Sonny Perez Collantes, magtutulungan para sa pagpapaunlad ng Lungsod ng Tanauan!
Kasama si Meralco Calamba Business Center Head Engr. Lawrence C. Abueg nagkaroon mg pagpupulong ngayong araw sa Tanggapan ng mga Mamamayan sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at Atty. Cristine Collantes upang talakayin ang karagdagang opportunidad at kabuhayan para sa ating mga kababayan.
Bahagi rin ng diskusyon ang mga hakbangin ng Pamahalaang Lungsod katulad ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang nagnanais mamuhunan sa Tanauan upang maging katuwang sa pagpapaunlad ng ating Lokal na Ekonomiya.
Samantala, bukas naman sina Mayor Sonny at Congw. Maitet upang pakinggan ang planong pakikiisa ng nasabing kumpanya at nakatakda rin ang mga susunod na pagpupulong para sa mga programa at serbisyong ihahatid para sa ating mga Tanaueño.
Previous Ang pag-iisang dibdib ng 14 na pares sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved