Pag bibigay ng direktiba sa Disaster Council at Frontline Workforce

UPDATE | Alinsunod sa direktiba ni Mayor Sonny Perez Collantes, kaninang ganap na 10:00 AM ay maagang pinulong ni City Administrator Mr. Wilfredo Ablao ang lahat ng miyembro ng Disaster Council at frontline workforce departments upang magbigay-direktiba sa mga gagawing interbasyon patungkol sa patuloy na paghagupit ng Bagyong #PaengPH sa ating Lungsod.
Patuloy rin ang isinasagawang pag-antabay ng buong Pamahalaang Lungsod sa kasalukuyang direksyong tinatahak ng bagyo, partikular na ang inaasahang pag-land fall nito sa Lalawigan ng Batangas.
Aktibo at kasalukuyang namamahagi ng relief goods at nagsasagawa ng clearing operations ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa mga lugar na apektado ng bagyo upang masiguradong ligtas ang kalagayan ng ating mga kababayan.
By: Ranch / Photo by: Roderick Lanting
Previous Relief Goods ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved