ORIENTATION AND DEPUTATION TRAINING SEMINAR WORKSHOP FOR DTROs

ORIENTATION AND DEPUTATION TRAINING SEMINAR WORKSHOP FOR DTROs
TANAUAN CITY – Ang Land Transportation Office (LTO) ay tagumpay na nagsagawa ng maghapong Training Seminar Workshop ngayong araw ng Huwebes ika-06 ng Oktubre, 2022 para sa mga Deputized Transportation Regulation Officers (DTROs) ng lungsod.
Dito ay nagbigay ng lecture ang mga opisyal mula sa LTO Calabarzon na pinangungunahan ni Ms. Clarisa A. Sulit –Chief, Operations Division at nila Ms. Lovelyn P. Pesa—Secretariat, RDEC at Ms. Darlene P. Oabel – Secretariat, RDEC. Kabilang sa mga tinalakay ang mga batas tulad ng –Seatbelts Use Act, Motorcycle Helmet Act, Anti-Drunk and Drugged Driving Act at iba pang mga regulasyon at itinakdang alituntunin ng LTO para sa mga Deputized Agents. Pinag-usapan din ang tamang implementasyon nito tulad ng pag-issue ng mga ticket sa mga mahuhuling violators.
Ito ay dinaluhan ng dalawampung kawani mula sa Traffic Management Office (TMO) kasama ang kanilang hepe— Mr. Cesar De Leon, limang kawani mula sa Tricycle Regulatory Office (TRO) sa pangunguna ng kanilang hepe—Mr. Sesinando Carandang at anim naman mula sa hanay ng PNP.
Matapos ang talakayan sa iba’t ibang batas at implementasyon, sinundan naman ito ng written examination para sa lahat ng mga dumalo. Ipinaalala rin ni Mayor Sonny Perez Collantes sa kanyang mensahe ang kahalagahan ng pagsunod sa mga itinakdang regulasyon ng LTO upang pairalin ang disiplina, kaayusan at kaligtasan ng publiko sa mga kalsada lalo’t higit sa lungsod ng Tanauan.
Previous Buwan ng Kooperatiba ngayong Oktubre

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved