Operasyon ng DSWD sa Lungsod ng Tanauan, mas paiigtingin sa panahon ng kalamidad!
Matagumpay na idinaos ngayong araw ika-21 ng Nobyembre sa pamamagitan ng Zoom meeting broadcast ang signing ceremony ng memorandum of agreement sa pagitan ng Lungsod ng Tanauan at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Naglalayon itong mas mapalawak pa ang pagtutulungan ng mga lokal na pamahalaan at pamahalaang nasyunal para sa mas mabilis na aksyon sa panahon ng mga sakuna at kalamidad. Matatandaang ang Lungsod ng Tanauan ay kasama sa mga lugar na may disaster prone areas kabilang na ang siyam na barangay na sakop ng 15km danger zone dulot ng aktibong aktibidad ng Bulkang Taal.
Kaugnay nito, inihayag naman ni Mayor Sonny Perez Collantes sa naturang seremonya ang buong suporta ng Pamahalaang Lungsod sa magandang layunin ng DSWD partikular sa mas maagap na pagbibigay ng mga family food packs, hygiene kits at sleeping kits sa tuwing may emergency situations.
Tinalakay rin ang mga karagdagang storage facilities at warehouse para sa food at non-food items na ipinamamahagi sa ating mga kababayan. Nagpaabot din ng taos pusong pasasalamat ang ating Punong Lungsod kay DSWD Regional Director (Region IV-A) Barry Chua at DSWD Secretary Erwin Tulfo dahil sa patuloy nitong pag-agapay sa mga Tanaueรฑo sa oras ng pangangailangan.
Kasabay rin na pumirma ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga Punong Bayan at mga kinatawan ng Munisipalidad mula sa Panukulan at Gumaca, Quezon, Tuy, Batangas, Famy, Laguna at Morong, Rizal na kapwa nanindigan sa mas matibay na balikatan upang matulungan ang ating mga kababayan.