Oathtaking para sa mga Promoted na mga Guro at Non-Teaching Personnel

Oathtaking para sa mga Promoted na mga Guro at Non-Teaching Personnel, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes ay pormal nang nanumpa sa kanilang katungkulan ang 38 na mga guro at mga non-teaching personnel mula sa pampublikong paaralan sa Lungsod ng Tanauan.
Ang mga nasabing guro ay kasalukuyan nang naka-deploy at katuwang ng lokal na pamahalaan sa face-to-face classes upang masiguradong nabibigyan ng kaukulang kaalaman at kasanayan ang ating mga mag-aaral na Tanaueño.
Kasabay nito ay taos pusong nagpasalamat din ang ating Punong Lungsod dahil sa kanilang dedikasyon at pakikipagtulungan upang masigurong dekalidad ang edukasyon sa Lungsod.
Previous CGT Teenage Pregnancy Symposium

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved