DILG, Mayor Sonny Collantes

New DILG Provincial Director, katuwang ng Pamahalaang Lungsod para sa Serbisyo Publiko!

Bagong Batangas DILG Provincial Director, katuwang ng Pamahalaang Lungsod para sa Serbisyo Publiko!
Isang makahulugang courtesy call mula sa bagong talagang DILG Provincial Director na si Mr. Allan Benitez kahapon ika-15 ng Agosto sa Tanggapan ng mga Mamamayan upang personal na ipaabot sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes ang pagsuporta sa ating Lokal na Pamahalaan para sa pagpapaigting ng mas payapa at maunlad na Lungsod ng Tanauan.
Pagtitibayin din ng nasabing pagpupulong ang pagbuo ng mga polisiya, plano at programa para sa ating mga mamamayan. Patuloy ring magtutulungan ang ahensya at Pamahalaang Lungsod upang pagsumikapan ang mas mahusay na serbisyo para sa pagpapabuti sa buhay ng bawat pamilyang Tanaueño.
Previous Distribution of School Bags and Supplies, Sambat Elementary School.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved