Nego-Karts para sa mga Tanaueño, inihatid ng Pamahalaang Lungsod at DOLE-Batangas

Nego-Karts para sa mga Tanaueño, inihatid ng Pamahalaang Lungsod at DOLE-Batangas
Bilang panimulang tulong sa ating mga maliliit na negosyante sa Lungsod ng Tanauan, pinangunahan ni Mayor Sonny Perez Collantes, Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes at DOLE-Batangas Dir. Predelma Tan ang paghahatid ng 50 Negosyo Karts ngayong araw.
Sa mensahe ni Mayor Sonny, kaniyang pinasalamatan ang buong pamunuan ng DOLE Batangas sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Aniya, bukod sa DOLE TUPAD, isa ang Nego-Kart Project sa isinusulong ng Pamahalaang Lungsod upang matulungan ang ating mga Tanaueñong mapalago ang kanilang mga hanapabuhay.
Habang hanggad naman ni Congw. Maitet ang paglago ng kanilang mga Negosyo sa pamamagitan ng mga kagamitan na ito tulad ng Ambulatory Kart, gas stove and gas tank na nagkakahalagang P25,000 bawat set.
Naging bahagi rin ng proyektong ito ang Tanauan CCLDO at PESO Tanauan City na pangunahing tanggapang umaalalay at naghahatid ng mga programa para sa ating mga Tanaueñong nais magtrabaho o magtayo ng sariling Negosyo.
Previous DSWD AICS para sa higit 1,500 na mga kababayan sa Lungsod ng Tanauan.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved