Programa para sa mas ligtas at malusog na mga Tanaueño, handog ni Mayor Sonny bilang pakikiisa sa pagdiriwang National Dental Health Month!
Bilang pakikiisa ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa selebrasyon ng National Dental Health Month, nagsagawa ng programa ang City Health Office ng “Search for Orally Fit Children” upang mamahagi ng Toothbrush, toothpaste at mga Vitamins katuwang ang ating Child Development Workers. Kasabay nito, ang pamamahagi ng Libreng Pustiso para sa ating mga kababayan na layong makapagbigay ng magandang ngiti para sa ating mga Tanaueno.
Nakiisa rin si Atty. Cristine Collantes at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod upang ihayag ang kanilang patuloy na pakikiisa sa mga ganitong uri ng programa ni Mayor Sonny na mabigyan ng sapat at wastong kagamitan ang ating mga kababayan upang mapangalagaan ang kanilang katawan at mga ngipin.
Sa isang mensahe, inihayag ni Mayor Sonny na patuloy na lilikha ng mga aktibidad ang Pamahalaang Lungsod para tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa sektor ng kalusugan. Dagdag pa niya, ang isinagawang programa ay kabilang sa mga paghahanda ng Lokal na Pamahalaan upang mapangalagaan ang ating mga kabataan tungo sa magandang bukas ng Lungsod ng Tanauan.