Sa ginanap na pagpupulong ngayong araw ng DepEd Tanauan City at ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes, kanilang ibinahagi ang mga kasalukuyang hakbangin ng tanggapan para sa nalalapit na 2023 Division Sports Meet sa Lungsod ng Tanauan.
Ayon kay SEF Coordinator Mr. Romel G. Villanueva at Education Program Supervisor-MAPEH Mr. Julius Rhyan Quine, tinatayang aabot sa 763 na mga atletang kabataan ang lalahok ngayong taon para sa iba’t ibang sports category.
Bukod dito, kasalakuyan ding binubuo na ang 47 technical working committee at pagtatalaga ng 185 officiating officials na magiging kaagapay ng ating mga atletang Tanaueño sa naturang aktibidad.
Kaugnay nito, sinigurado ni Mayor Sonny na magiging prayoridad ng Pamahalaang Lungsod ang pagpapalakas ng sports para sa ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglalaan ng kaukulang pondo sa ilalim ng Special Education Fund para sa kanilang pagsasanay, uniporme, at mga kagamitang magagamit upang hubugin ang kanilang mga kakayahan.
Habang sa ngalan ng Tanauan City Women’s Coordinating Council at Tanggapan ni Congw. Maitet Collantes ay ginarantiyang din nina Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes na bukas ang kanilang organisasyon at tanggapan sa mga anumang aspeto na kanilang maitutulong para sa institusyon at mga kabataang atleta ng ating lungsod