Serbisyong Publiko Caravan, umarangkada na sa Brgy. Bagbag!
Muli nanamang umarangkada ang paghahatid ng serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ngayong araw sa Barangay Bagbag sa pamamagitan ng programang Serbisyong Publiko Caravan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes.
Sa pangunguna ng ating butihing Mayor kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes at Kapitan Edwin Ocampo katuwang ang mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, tagumpay na naipaabot sa mga kababayan natin sa Barangay Bagbag ang iba’t ibang serbisyo ng Pamahalaang Lungsod kabilang ang libreng tuli, medical and dental check up, libreng bakuna kontra COVID 19, eye consultation, pamamahagi ng mga pananim, libreng pakapon at anti-rabies vaccine sa mga alagang pusa at aso, handog na baboy sa benipisyaryong magsasaka at marami pang iba.
Kasabay nito ang Simultaneous Feeding Program sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 sa Bagbag Elementary School kung saan mahigit Apatnadaang estudyante ang nabigyan ng Free Snacks katuwang ang ating City Social Welfare and Development.
Naging bahagi rin ang mga Department Heads ng ibang mga Tanggapan para sumuporta sa nasabing programa, kabilang sina City Treasurer’s Office Head Mr. Fernan Manzanero, Local Civil Registry Head Mr. Dante de Sagun, City Social Welafare and Development Head Mrs. Vicky Javier, Office of City Veterinary Head Mr. Aries Garcia, City Health Office Head Dra. Anna Dalawampu, Barangay Affairs Office – OIC Mrs. Jiennch Nones
Present naman ang ating Vice Mayor Atty. JunJun Trinidad kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod na nagpaabot ng kanilang papuri sa napakagandang programa ng ating butihing Mayor para sa ating mga kababayan.
By: Fash