MRS Philippines Global 2023

WAGI sa katatapos lamang na MRS Philippines Global 2023 ang Tanaueñang si Mrs. Ma. Glovel M. Tasico ng Brgy. Santor na kumatawan sa buong lalawigan ng Batangas.
Sa kaniyang courtesy call kasama sina Mayor Sonny Perez Collantes at TWCC President Atty. Cristine Collantes, kaniyang masayang ibinalita na tayo rin ang kakatawan sa buong bansa para sa gaganaping MRS Global Universe 2023 sa Singapore at lalahukan ng 40 mga bansa sa buong mundo.
Bukod sa pagiging beauty queen, kasalukuyang SPED Teacher rin si Mrs. Glovel sa Tanauan South Central School.
Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod, hangad namin ang inyong tagumpay! Ikaw po ang patunay na ang mga Tanaueñang guro ay may ibubuga rin sa larangan ng pagandahan. Let’s make our Tanaueños proud and bring home the crown!👑
Previous Mabuhay ang mga bagong kasal!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved