Mga Tanaueñong naging biktima at nasawi noong ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginunita ng Pamahalaang Lungsod ngayong araw!
Isang makasaysayang tagpo ang ginanap ngayong araw sa pag-alala sa mga kababayan nating nasawi at nagbuwis ng buhay noong sumiklab ang ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Pinangunahan ito ni Atty. Cristine Collantes bilang kinatawan ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at Community Affairs Office kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Dito, hinikayat ni Atty. Cristine ang bawat isa na patuloy na alalahanin ang sakripisyo ng mga kababayang nasawi. Aniya, “Patuloy nating isapuso ang araw na ito (A Day of Prayer) para sa ating mga kababayang naging biktima noong ikalawang Digmaang Pandaigdig. May they sacrifice be an inspiration to all of us to strive for a longlasting peace.”
Ito ay taunang ginaganap tuwing ika-10 ng Pebrero sa Mabini Plaza sa pamamagitan ng ‘A Day of Prayer’ kung saan nagkakaroon ng mataimtim na pagdarasal at pag-aalay ng bulaklak para sa mga Tanaueñong namatay noong World War II.