Mga miyembro ng Solo Parent sa Tanauan, nagkaroon ng pagpupulong kasama si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes!

Mga miyembro ng Solo Parent sa Tanauan, nagkaroon ng pagpupulong kasama si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes!
Nagtungo sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw ang mga miyembro ng Solo Parent sa Tanauan kung saan sila ay mainit na tinanggap at pinulong ni Atty. Cristine Collantes para talakayin ang mga programang mangangalaga sa kanilang samahan.
Pinuri naman ni Atty. Cristine ang kanilang mga sakripisyo at pagiging matatag upang maitaguyod at maibigay ang magandang bukas sa kanilang mga anak. Bilang Presidente naman ng mga kababaihan sa Tanauan, siya ay makikipagtulungan sa ating butihing Mayor Sonny Perez Collantes para sa pagpapalawak ng mga programang kakalinga at mangangalaga para sa kanilang sektor.
Previous Mga Dagdag na Bagong Guro sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan, Pormal nang nanumpa kay Mayor Sonny Perez Collantes!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved

Exit mobile version