Mga Kabataang Atleta na lalahok sa Batang Pinoy 2022, binigyang pagkikilala ng ating Punong Lungsod!
Muling sasabak ang ating mga atletang Tanaueño sa Pambansang Panlaro na Batang Pinoy 2022 kung saan iba’t ibang manlalaro sa ating bansa ang kanilang makakatunggali.
Bago ang kanilang laban, inihayag ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes na palaging nakahandang umagapay ang Pamahalaang Lungsod sa ating mga atleta at palaging tutugon para sa kanilang mga pangangailangan.
Kaniya ring hinikayat ang mga kalahok na maging kaisa ng lokal na pamahalaan na humikayat ng mga kabataan na sumali sa iba’t ibang larong pampalakasan, upang mailayo sila sa mga masasamang gawain.
Naging bahagi rin nito si Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes para maging kaagapay ng Pamahalaang Lungsod sa pagsulong ng mga programang mangangalaga sa sektor ng mga kabataan sa Tanauan.