Mga Bagong Guro sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan

Mga Bagong Guro sa mga Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Tanauan, Pormal nang nanumpa kay Mayor Sonny Perez Collantes!
Karagdagang 29 Learning Support Aides (LSAs) at 37 na mga gurong na-promote sa ilalim ng Promotion and Natural Vacancies ang pormal nang nanumpa sa kanilang katungkulan kahapon, ika-17 ng Oktubre na pinangunahan ni Local School Board Chairperson Mayor Sonny Perez Collantes.
Habang nakiisa at nagpaabot rin ng suporta sa nasabing aktibidad sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes at Atty. Nikkie Collantes, kasama ang mga kawani ng Tanauan City Schools Division Office na sina Assistant Schools Division Superintendent Officer-In-Charge Ms. Rhina Ilagan, Senior Education Program Specialist Mr. Romel Villanueva at SGOD Education Program Specialist Mr. Jhun-Jhun Lucero.
Ang mga nasabing guro ay kasalukuyan nang naka-deploy sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Lungsod na katuwang ng lokal na pamahalaan sa implementasyon ng blended at progressive face-to-face classes upang masiguradong nabibigyan ng kaukulang kaalaman at kasanayan ang mga mag-aaral na Tanaueño
By: Ranch
Previous ANUNSIYO TANAUEÑO

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved