Mga Bago at Promoted na Guro ng Tanauan City Schools Division Office para sa buwan ng Disyembre, Pormal nang nanumpa kay Mayor Sonny Perez Collantes!

Mga Bago at Promoted na Guro ng Tanauan City Schools Division Office para sa buwan ng Disyembre, Pormal nang nanumpa kay Mayor Sonny Perez Collantes!
Sa pangunguna ni Local School Board Chairperson Mayor Sonny Perez Collantes, panibagong 36 na mga guro ang nai-promote ngayong buwan ng Disyembre sa ilalim ng Promotion and Natural Vacancies at pormal nang nanumpa ngayong araw kasama ang iba pang kawani ng Tanauan City Schools Division Office.
Layon ng inisyatibong ito na patuloy na pataasin ang kalidad ng edukasyon para sa kabataang Tanaueño sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na bilang at karapatdapat na mga gurong maghahatid ng kaalamang kinakailangan ng ating mag-aaral, partikular na sa reading comprehension, numeracy, at critical thinking skills.
Ayon kay Mayor Sonny, sa pamamagitan ng programang ito ay masisigurado ng ating lungsod na nakasasabay ang sektor ng edukasyon sa hamon ng makabagong panahon at nabibigyang-solusyon ang nararanasang learning gap sa bansa.
Previous DOLE TUPAD Payout para sa 411 na mga Tanaueño, tagumpay na naipamahagi ng Pamahalaang Lungsod at ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved