Mga Atletang Tanaueño, wagi muli sa iba’t ibang pampalakasang kompetisyon sa bansa!

Mga Atletang Tanaueño, wagi muli sa iba’t ibang pampalakasang kompetisyon sa bansa!
Muling nagpamalas ng natatanging GALING at HUSAY ang ating mga kabataang Tanaueño sa katatapos lamang na mga pampalakasang kompetisyon sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Muling bumida ang Tanauan City Football Team sa katatapos lamang na Gov. Remulla Cup Football Festival 2022 nitong ika-17 ng Disyembre na ginanap sa General Trias, Cavite, kung saan nasungkit ng ating koponan ang kampeonato para sa Under 12 at Under 8 Category. Habang, itinanghal na 1st Runner Up ang ating mga kalahok para sa Under 10 Category.
Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Sonny Perez Collantes ay taos pusong pagbati sa inyong lahat! Ang inyong puspusang pagsisikap sa pag-abot ng inyong mga pangarap ay karangalan ng ating Lungsod! Nawa’y patuloy kayong maging ehemplo para sa ating kabataang Tanaueño!
Previous 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐫𝐢𝐚𝐥 𝐀𝐬𝐬𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐀𝐈𝐂𝐒, 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐧𝐠𝐬𝐨𝐝!

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved