Atletang Tanaueño, Tanauan

Mga Atletang Tanaueño, lalahok sa iba’t ibang kompetisyon sa loob at labas ng Bansa!

Mga Atletang Tanaueño, lalahok sa iba’t ibang kompetisyon sa loob at labas ng Bansa!
Sa masidhing pagsuporta ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ating mga kabataang Tanaueño, muling magpapakitang gilas ang ating mga atleta sa iba’t ibang patimpalak sa loob at labas ng bansa tulad ng Batang Pinoy at 11th U15 Asian Baseball Championship na gaganapin sa bansang China, kabilang sa napili para maglaro ay si Mr. Aron Jesse Manguiat para irepresenta ang ating Bansa.
Dahil dito, agad na binigyang tulong ng ating Punong Lungsod ang mga kabataang bumisita at lalahok bilang suporta sa kanilang maiuuwing karangalan para sa Lungsod ng Tanauan.
Patuloy naman ang pagbibigay pagkilala ng ating Punong Lungsod sa ating mga kabataan upang ipakita ang pagpapahalaga at pangangalaga ng Pamahalaang Lungsod sa kanilang husay at galing sa iba’t ibang larangan.
Previous patuloy ang pagpapaabot ng tulong ni Mayor Sonny Perez Collantes sa pangangailangan ng bawat Tanaueño

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved