Sa pangunguna nina Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes at Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, tinalakay kasama ang mga Pangulo ng kababaihan sa bawat Barangay ang mga aktibidad na gaganapin para sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso:
Kabilang sa agenda na tinalakay ay ang mga sumusunod:
– Women’s Month Kick Off Ceremony
– Womens Mini Olympics
– Women’s Forum
– Womens General Assembly and Awarding Ceremony.
Sa mensahe naman ni Mayor Sonny Perez Collantes, kaniyang hinikayat ang mga miyembro na patuloy na magkaisa at maging kabahagi para sa inihandang selebrasyon ng Pamahalaang Lungsod para sa kanilang sektor.