Medical and Burial Assistance at Cash Incentives para sa mga Senior Citizens, ipinamahagi sa Pamahalaang Lungsod

Medical and Burial Assistance at Cash Incentives para sa mga Senior Citizens, patuloy na ipinamamahagi sa Pamahalaang Lungsod
Ngayong araw, sa ngalan ni Mayor Sonny Perez Collantes ipinamahagi ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Local Social Welfare and Development ang Local AICS at Cash Incentives para sa ating mga Tanaueño.
Sa kabuuan, 100 na mga kababayan ang nakapag-pay out para sa kanilang medikal na pangangailangan, habang 28 naman ang para sa Burial Assistance. Samantala, limang (5) senior citizens edad 85-95 ang nakatanggap ng kanilang Birthday Cash Incentives mula sa lokal na pamahalaan.
Para sa mga Tanaueñong nangangailangan, bukas mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan ng Lungsod ng Tanauan para sa mga kababayan nating nais humingi ng tulong mula sa ating Pamahalaan.
Previous 4th TCC Board of Trustees Meeting

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved