Mayor Sonny Perez Collantes, nakiisa sa Pagdiriwang ng Ika-28 Anibersaryo ng Women’s Organization of Darasa.

Mayor Sonny Perez Collantes, nakiisa sa Pagdiriwang ng Ika-28 Anibersaryo ng Women’s Organization of Darasa.
Nakiisa noong linggo, ika-25 ng Setyembre ang ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa pagdiriwang ng ika-28 Anibersaryo ng Women’s Organization of Darasa kasama sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Bokal Fred Corona, Kon. Dra. Kristel Nones Guelos, Kon. Ben Corona at Kon. Eugene Yson.
Ang nasabing selebrasyon ay sagisag sa pagpapatibay ng kanilang samahan tungo sa magandang adbokasiya upang mapangalagaan at mabigyang seguridad ang sektor ng kababaihan sa ating Lungsod.
Naging daan naman ito upang magpaabot ng munting mensahe ang ating Mayor, kaniyang nabanggit na palaging bukas ang Pamahalaang Lungsod para tugunan ang mga pangangailangan ng kanilang sektor kabilang ang pagbibigay ng mga programa gaya ng Livelihood Programs.
Previous Regular na pagpupulong ng Liga ng mga Barangay, tagumpay na idinaos ngayong araw!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved