๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐๐ญ ๐๐ฒ๐ฆ๐ง๐๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฆ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ฉ๐จ๐ ๐๐ฅ๐๐ฆ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ, ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐๐๐จ๐ญ ๐ง๐ข ๐๐๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐จ๐ง๐ง๐ฒ ๐๐๐ซ๐๐ณ ๐๐จ๐ฅ๐ฅ๐๐ง๐ญ๐๐ฌ!
Alinsunod sa patuloy na suporta sa sektor ng edukasyon, matagumpay na inagurasyon ng bagong school building at gymnasium para sa Sulpoc Elementary School ang pinangunahan ni TCWCC President Atty. Cristine Collantes na kinatawan ni Mayor Sonny Perez Collantes.
Ang aktibidad na ito ay dinaluhan din ng mga kawani, mag-aaral at mga guro ng Sulpoc Elementary School sa pangunguna ni School Principal Ms. Maricel Molinar, mga mag-aaral at Sangguniang Barangay ng Sulpoc sa pangunguna ni Kap. Leopoldo Molinar Jr.
Ang two-storey, eight classrooms na school building ay isa sa mga school buildings na kasalukuyang ipinatatayo sa Lungsod ng Tanauan mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny sa pamamagitan ng Special Education Fund na layong bigyan ng maayos na pasilidad ang ating mga mag-aaral na Tanaueรฑo.
Sa kasalukuyan, ang pasilidad na ito ay mayroon na ring glass boards at arm chairs na maaari nang magamit ng mga mag-aaral ngayong Taong Panuruan.