Mayor Sonny Perez Collantes naghandog ng mga bagong Electric Fans at Kagamitan

Mayor Sonny Perez Collantes, naghandog ng mga bagong Electric Fans at Kagamitan para sa pagsasaayos ng mga pasilidad ng 59 na Pampublikong Paaralan sa Lungsod
Sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, tagumpay nai-turn over kahapon, ika-21 ng Oktubre ang lahat ng mga bagong electric fans at kagamitan para sa pagsasaayos ng mga pasilidad ng lahat pampublikong paraalan sa buong Lungsod ng Tanauan.
Kabilang ito sa prayoridad ni Mayor Sonny at ng ating Pamahalaang Lungsod sa ilalim Special Education Fund (SEF) ngayong buong taong aktibidad ng Brigada Eskwelaupang mabigyan ng maayos na pasilidad at bentilasyon ang lahat ng ating mga mag-aaral at guro sa 59 na mga pampublikong paaralan mula Elementarya hanggang Sekondarya.
Habang nagpaabot din ng tulong pinansyal para naman sa ating 139 na mga non-teaching personnel ang City Government of Tanauan at Tanggapan ni Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, kasama ni Atty. Cristine Collantes.
Samantala, nakiisa rin ang buong pamunuan ng Tanauan City Schools Division Office sa pangunguna nina SDS Officer-In-Charge Mr. Rogelio Opulencia, Assistant SDS Ms. Rhina Ilagan, School Governance and Operations Division Chief Dr. Maximo Custodio. Jr., Public School Division Supervisor Ms. Zenaida Rivera, Senior Education Program Specialist Mr. Romel Villanueva, Education Program Supervisor II Mr. Jhun-Jhun Lucero, mga Punong Guro ng 59 na pampublikong paaralan, ALS Coordinators at iba pang Teaching and non-teaching personnel.
By: Ranch
Previous TAAL UPDATE

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved