Mayor Sonny Perez Collantes, binigyang pugay ang iniuwing karangalan ni Erika Nicole Burgos sa bansa!

Mayor Sonny Perez Collantes, binigyang pugay ang iniuwing karangalan ni Erika Nicole Burgos sa bansa!
Personal na bumisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan ngayong araw ang SEA GAMES Gold Medalist for Aquathlon Mixed Team Relay Erika Nicole Burgos upang ipaabot ang taos pusong pasasalamat sa suportang ibinigay ni Mayor Sonny Perez Collantes sa kaniyang laban.
Bukod pa rito, pinuri at kinilala ni Mayor Sonny ang ipinakitang husay ni Ms Erika sa nasabing kompetisyon, dahilan para mag-uwi at magbigay ng karangalan hindi lamang sa Lungsod ng Tanauan maging sa buong bansa.
Sa ngalan ng buong pamunuan ng Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan sa pangunguna ni Mayor Sonny Perez Collantes, kami ay buong pusong ipinagmamalaki ang iyong nakamit na karangalan para sa Lungsod ng Tanauan at sa Bansang Pilipinas.
Mabuhay ang mga atletang Pilipino!
Previous Moving Up Ceremony ng Daycare Center students mula Brgy. Trapiche at Brgy. Sala.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved