Matagumpay na Chikiting Ligtas 2023; Kaso ng COVID19 at Dengue sa Lungsod ng Tanauan

Matagumpay na Chikiting Ligtas 2023; kasalukuyang kaso ng COVID19 at Dengue sa Lungsod, bahagi ng Local Health Board meeting!
Sa pangunguna nina Mayor Sonny Perez Collantes at City Health Office Head Dra. Anna Dalawampu isinagawa kahapon ang Local Health Board ng Pamahalaang Lungsod ng Tanauan kung saan patuloy na pinag-usapan ang mga kaso at malawakang plano laban sa sakit na COVID-19 at Dengue.
Kabilang sa tinalakay ang matagumpay na paglulunsad ng Chikiting Ligtas 2023 sa mga Barangay na layong mabigyan ng gamot at Bitamina na makatutulong sa mga sanggol upang maiwasan ang pagkakaroon ng Measles at Polio.
Bahagi rin nito ang Proposed Memorandum of Agreement with CLEANWAY Environmental Management Solutions Inc, na magiging katuwang ng Pamahalaang Lungsod para sa mas malinis at ligtas na kapaligiran upang mapangalagaan ang ating Kalikasan.
Previous Opening Ceremony ng 2nd Southern Manila Inter-LGU Volleyball League

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved