Mas malawak na programa at operasyon para sa Tanauan City Jail.

Mas malawak na programa at operasyon para sa Tanauan City Jail, tinalakay sa isang courtesy call kasama ang bagong talagang Jail Warden sa Lungsod!
Naging matagumpay ngayong araw ika-02 ng Agosto ang ipinaabot na courtesy call nina JSINSP Rienzon S. Roullo at
SJO4 Ehmee Reyes sa ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes upang talakayin ang epektibong pamamahala sa loob ng Tanauan City Jail na pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod at ng kanilang ahensya.
Nanindigan naman si Mayor Sonny na lagi siyang handang umagapay sa kanila upang masiguro ang pagpapalawak ng mga operasyon at programa sa kanilang pasilidad. Nagbigay pugay rin ang bagong Warden kay Mayor Sonny dahil sa patuloy nitong pagsisikap na mabigyan ng ligtas at payapang komunidad ang ating Lungsod.
Previous Tulong Pinansyal ng Pamahalaang Lungsod

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved