Pagpapaunlad ng Macalinga Sewers Association, bibigyang suporta ng Pamahalaang Lungsod!
Upang masuportahan at mapaunlad pa ang Macalinga Sewers Association, personal na binisita ni Tanauan City Women’s Coordinating Council President Atty. Cristine Collantes ang isa sa matagumpay na Livelihood Program ng mga pribadong kumpanya para sa ating mga kababayan.
Kasama si City Cooperatives and Livehood Development Office Department Head Ms. May Fidelino nagkaroon ng konsultasyon sa nasabing asosasyon sa pangunguna ni Ms. Hemedina Calingacion upang malaman ang kanilang mga pangangailangan at hiling na karagdagang suporta mula sa ating Pamahalaang Lungsod.
Ang nasabing proyekto at programa ay bahagi ng Philippine Manufacturing Co. of Murata, Inc, FPIP, Tanauan City Union Bank at The Outlets, Lipa City na layong mabigyan ng pagkakakitaan ang ating mga kababayan.