LOOK | Mga Kabataang Tanaueño, wagi sa 2023 International Kangaroo Mathematics Competition!

LOOK | Mga Kabataang Tanaueño, wagi sa 2023 International Kangaroo Mathematics Competition
Mula sa 10,000 pampubliko at pribadong paaralan sa bansa nanaglaban-laban, tagumpay na nasungkit ng mga mag-aaral na sina Jay Benedict Garcia at Maria Mariella Dumaya ng Tanauan City Integrated Highschool ang gintong karangalan sa katatapos lamang na 2023 International Kangaroo Mathematics Competition.
Sa kanilang pagbisita sa Tanggapan ng mga Mamamayan, malugod na ibinalita ng DepEd Tanauan City sa pangunguna ni Senior Education Program Specialist Mr. Rommel Villanueva na pang-111 sa Intermediate Division ang ating kalahok na si Jay Benedict, habang nasa ika-147 pwesto naman si Maria Mariella para sa Senior Division.
Ang nasabing kompetisyong nasyunal ay nilahukan ng mga mag-aaral mula Grade 1 to 12 na layong sukatin ang kanilang problem solving at higher order thinking skills sa larangan ng matematika. Bukod dito, isa ang International Mathematical Kangaroo sa maituturing na prestihiyosong kompetisyon na nilalahukan ng bansang Pilipinas taun-taon kabilang na ang 92 na mga bansa sa buong mundo.
Samantala, taos pusong pagbati naman ang ipinaabot ni Mayor Sonny Perez Collantes sa ating mga Math Wizards at nanindigan itong aagapay ang Pamahalaang Lungsod sa pagsuporta sa bawat kabataang Tanaueño na patuloy na nagpapamalas ng husay at talino sa loob at labas ng bansa.
Previous Team Tanauan, muling nangibabaw matapos muling magwagi ang limang koponan sa Day 3!

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved