Local Project Monitoring 2nd Quarter Meeting!

Kasalukyang sitwasyon ng mga pagawaing bayan katulad mga kalsada, drainage at pampublikong imprastratura, bahagi ng Local Project Monitoring 2nd Quarter Meeting!
Kasama ang mga opisyales mula sa Department of Public Works and Highways, tinalakay ang kasalukuyang estado ng mga proyekto ng ating Lokal na Pamahalaan para sa pagsasaayos ng mga kalsada, mga sirang estero at Pampublikong mga gusali para sa kapakinabangan ng bawat mamamayang Tanaueno.
Bahagi ng iniulat ng DPWH ang isinasagawang rehabilitation and reconstruction ng mga sira-sirang kalsada sa Brgy. Talaga patungong Santor. Kabilang din dito ang pagsasaayos ng Drainage sa kahabaan ng National road sa Barangay Ambulong.
Partikular naman na tinalakay ni City Planning and Development Office Head Ms. Aissa Leyesa ang kasalukuyang sitwasyon ng mga proyekto ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes sa mga Barangay, kabilang ang:
Improvement road of Poblacion 4, 1, 2, 3, 5, at Barangay Darasa
Repair of Old Municipal Building (Poblacion 2)
Asphalt Overlay (Janopol Occidental)
Concreting of FMR, Bagbag
Construction/ Improvement of Drainage System (Brgy. Mabini)
Construction of Fence, Sports Complex-Darasa
Installation of Street Lights, McDonalds to New City Hall.
Samantala, bahagi ito ng pagsisikap ni Mayor Sonny upang masiguro na nararamdaman at nakikita ng ating mga kababayan na napupunta sa wasto at mga pagawaing bayan ang kanilang mga ibinabayad na buwis sa ating Lokal na Pamahalaan.
Previous Ang pag-iisang dibdib ng tatlong (3) pares sa Lungsod ng Tanauan

Leave Your Comment

TANAUAN CITY GOVERMENTยฉ 2022 All Rights Reserved