Pagbabantay sa malinis at ligtas na tubig, Teenage Pregnancy Awareness Expansion at Storage Facility for Blood Donation Program, bahagi ng Local Health Board 1st Quarterly Meeting!
Sa patuloy na pagbabantay ng ating Punong Lungsod Sonny Perez Collantes at mga miyembro ng Local Health Board Council sa kalusugan ng ating mga kababayan tinalakay sa 1st Quarter ng Joint Local Health Board meeting ang mga sumusunod:
Mungkahing muling imandato ang pagsusuot ng Facemask
3 bilang ng kasalukuyang COVID cases sa Lungsod
Napagtagumpayang programa ng Local Health Board
Teenage Pregnancy Awareness Expansion (pagbababa ng talakayan sa mga pampublikong Paaralan katuwang ang DepEd)
Status hinggil sa pagbibigay ng Opisina sa Red Cross Batangas Chapter
Pagkatatag ng Local Water Quality Monitoring Board, para sa pagbabantay ng malinis at ligtas na tubig para sa ating mga kababayan
Public Campaign for HIV Awareness
Nutrition Situation for the year 2022
Samantala, binigyang pasasalamat naman ni Mayor Sonny Perez Collantes ang mga bumubuo ng nasabing Local Board para sa kanilang pakikiisa na mapangalagaan at maprotektahan ang bawat kalusugan ng mamamayan ng Lungsod ng Tanauan.