Mayor Sonny Perez Collantes!

Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!

Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes!
Umabot sa kabuuang 104 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Treasury Office sa pamumuno ni Mr. Fernan Manzanero at Tanauan Social Welfare and Development Office (CSWD) sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier.
Nakiisa rin sa naturang pamamahagi si Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes na nagpaalalang bukas din ang kaniyang Tanggapan para sa mga nais na humingi ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance ng ating mga kababayan.
Habang bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan para sa mga Tanaueñong nagnanais makahingi ng tulong mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan.
Previous Ang pag iisang dibdib ng siyam na pares sa Lungsod ng Tanauan.

Leave Your Comment

Connect With Us

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved