Local AICS para sa mga Tanaueño

Local AICS para sa mga Tanaueño, ipinamahagi ni Mayor Sonny Perez Collantes

Umabot sa kabuuang 290 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Social Welfare and Development Office (CSWD).

Tanauan

Nakiisa rin sa naturang pamamahagi sina 3rd District Chief of Staff Atty. King Collantes na nagpaalalang bukas din ang kaniyang Tanggapan para sa mga nais na humingi ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance ng ating mga kababayan.

Mayor Sonny Collantes, Tanauan

Habang bukas naman mula Lunes hanggang Biyernes ang Tanggapan ng mga Mamamayan para sa mga Tanaueñong nagnanais makahingi ng tulong mula sa Pamahalaan ng Lungsod ng Tanauan.

Previous “KAPON NATION”: Free Kapon at Ligate, handog ni Mayor Sonny Perez Collantes para sa ating mga Fur Babies!

TANAUAN CITY GOVERMENT© 2022 All Rights Reserved