Umabot sa mahigit 224 na mga Tanaueño ang nabigyan ng tulong pinansyal ngayong araw sa ilalim ng programang Local Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa inisyatibo ni Mayor Sonny Perez Collantes, katuwang ang City Treasury Office at Tanauan Social Welfare and Development Office (CSWD) sa pamumuno ni Ms. Vicky Javier.
Nakiisa rin sa naturang pamamahagi sina Congresswoman Ma. Theresa “Maitet” V. Collantes, Atty. Cristine Collantes at Atty. King Collantes na kaagapay at bahagi sa paghahatid ng tulong pinansyal para sa medikasyon, hospitalization, at mortuary assistance ng ating mga kababayan.